Mahal kong mga istudyante, ako'y natutuwa sapagkat kahit sa maliit na pamamaraan ay nabahaginan ko kayo ng kaalaman tungkol sa blogging. Ang susunod nating gawaing-bahay ay may kinalaman pa rin sa blogging. Narito ang mga dapat gawin:
1. Maglog-in sa iyong account sa www.blogger.com
2. Gumawa ng IKATLONG entry ng blog subalit kailangang ipakita ang isang nakaupload na larawan o picture na iyong kinunan sapamamagitan ng cellphone of digital camera. (Kung walang camera ang cellphone o camera mismo, manghiram!!!)
3. I-post ang napiling picture na iyong kinunan. Ito ay maaaring nangmula sa isang pangyayari na iyong naranasan.
4. Gumawa ng apat / 4 na paragraphs at ilahad ang iyong kuwento tungkol sa picture na iyong ipinost.
5. I-publish at ilagay ang URL sa comments ng blog entry ko na ito.
PAUNAWA:
1. Wala tayong klase sa AUGUST 21, 2010 sapagkat ito'y exams week niyo.
2. MAY KLASE TAYO NGAYONG DARATING NA BIYERNES, AGOSTO 14, 2010.
Para sa ilang hindi pa kasama sa FB ko, invite niyo na ako... ok?
Maraming salamat at magandang madaling araw sa inyong lahat!
I-enjoy ang buong Linggo... =)
-SIR TABS