May mga nagtext sa akin kanina. Malamig daw. Masarap ang pagtulog kaya naman ngayon pa lang, humihilik na ang puwet nila. Naglalaway naman ang iba. Masarap ang tulog lalo na kung wala kang ibang maririnig kundi ang malakas na hangin sa labas ng bahay mo. Pero sa ngayon... wala nga ako sa bahay. Nasa opisina ako... Nagbabantay ng edit para sa episode ng I Laugh Sabado na eere naman ngayong darating na Sabado... Hmmm...
Bago ako pumunta dito sa building, nanggaling kami ng mga kasama ko sa opisina sa tapat para kumain. Umoorder kami nang nagsimulang lumakas ang hangin at ulan. Ayun... ang tagal naming naghintay sa Gerardo's sa pagpapatila ng ulan.
Matapos naming kumain, dumiretso ako ng 7/11 para sa mga inumin namin ng editor ko na kakailanganin namin sa buong gabi. Pagpasok ko ng 7/11... PAK! ang daming tao...! Parang magkakaubusan ng paninda. Napaisip tuloy ako... Panic buying na ba ito? Naalala ko tuloy ang kuya at ang mga magulang ko sa probinsya. Nawa ay may mga pagkaing nakaimbak sa amin ngayon.
Madilim pa rin ang paligid pero ang lalakas naman ng mga speakers ng mga editing bays dito... Halu-halo ang maririnig mong audio mula sa iba't ibang shows. Sabi pa ng isang editor sa isang bay, "parang Bea Alonzo lang no? Basya... Basyang..." Napatawa na lamang ako sa narinig ko. Bea Alonzo. Paano ba naman ako makakaget-over sa pagtawa ko... Eh... Basta. Yun na yun...
=)
No comments:
Post a Comment